-- Advertisements --

Tiniyak ng Malacañang na puspusan ang isinasagawang reporma sa Bureau of Customs (BOC), matapos ituring ng US State Department bilang “pinaka-corrupt” na ahensiya sa bansa.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na seryoso ang Pangulo sa laban kontra korupsiyon, bagay na binigyang-diin sa kanyang huling SONA. 

Bahagi ng pagbabago ay ang pagtalaga nito kay Commissioner Ariel Nepomuceno upang pamunuan ang BOC at ipatupad ang malawakang reporma.

Sinabi ni Castro na kasalukuyang may mga hakbang na pakikipag-ugnayan ang BOC sa American Chamber of Commerce at US Embassy sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs para ipaliwanag at ipakita na mayruong sweeping reform agenda na ipinatutupad kung saan isinusulong ang transpareny, accountability at professionalism.

Mahigpit din na ipinatutupad ng BC ang conflict of interest sa mga professionals na hindi pwedeng sumama sa negosyo o magkaroon ng financial interest sa mga Customs brokerage.

Halos 97% digitalization na rin ang proseso sa BOC para sa mas mabilis at transparent na serbisyo.

Dagdag pa rito, isinulong ang mga bagong sistema tulad ng Overstaying Cargo Tracking at pakikipag-ugnayan sa World Customs Organization.

Ayon kay Usec. Castro, inaasahan nilang magiging positibo ang tugon ng US sa mga ipinatutupad na pagbabago.