-- Advertisements --

Tinawag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na walang basehan ang panawagang pagbibitiw ni PNP chief Police General Oscar Albayalde.

Ito ay may kaugnayan sa police operations sa Negros Oriental na ikinasawi ng 14 na magsasaka noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Panelo na ang nasabing operasyon ng kapulisan ay lehitimo at ginawa lamang nila ang kanilang trabaho.

Sa katunayan aniya ay ginawa ni Albayalde ang kaniyang trabaho sa pamamagitan ng agarang pagsibak sa mga kapulisan na sangkot sa operasyon habang ginagawa ang imbestigasyon.

Magugunitang umani ng batikos ang insidente mula sa iba’t ibang grupo subalit iginiit ng PNP na pawang nanlaban ang mga napatay.