-- Advertisements --

Iginiit ng Malacañang na hindi “obvious” na mga Lopezes ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na oligarch na binuwag nito kahit walang Martial Law.

Magugunitang ipinagmalaki ni Pangulong Duterte na nabuwag niya ang oligarchy sa bansa nang hindi nagdedeklara ng Martial Law sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, posibleng tinutukoy ni Pangulong Duterte ang mga oligarchs na kanyang pinangalanan at pinagbantaang sisirain.

Ayon kay Sec. Roque, kabilang dito sina Lucio Tan, Ayala group at Manny Pangilinan Group.

Kaya daw si Lucio Tan ay nagbayad ng bilyun-bilyong pagkakautang sa airport habang ang Ayala at Pangilinan groups na sangkot sa maanomalyang water concessionaire ay masigasig na tumulong sa panahon ng pandemic.