-- Advertisements --

Nilinaw ng Malacañang na hindi ikinokonsidera ang pagbuwag sa Independent Commission fo Infrastructure (ICI), sa kabila ng pagkakatalaga ng bagong Ombudsman sa mga iniimbestigahang anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Usec Claire Castro, na hindi lamang flood control anomaly ang saklaw ng Ombudsman, marami aniya itong kasong kailangang bigyang-pansin.

Sagot ito ni USec. castro sa tanong kung may posibilidad na ipaubaya na lamang sa Ombudsman ang imbestigasyon at buwagin na ang ICI. 

Sinabi ni Castro, hindi praktikal na isang ahensya lang ang gumalaw lalo na sa dami ng kasong kailangang tutukan.

Samantala, kaugnay ng ilang opinyong nagsasabing tila doble trabaho lamang ang ginagawa ng ICI, lalo na kung sa huli ay sa Ombudsman din naman mapupunta ang mga kaso, binigyang-diin ni Usec. Castro na mahalaga ang papel ng ICI sa mas mabilis na proseso ng imbestigasyon.

Dagdag pa ni Castro, ang pagkakaroon ng isang independent body gaya ng ICI ay nakatutulong upang maipon at maayos ang mga dokumento bago ito mairekomenda para sa pormal na pagsasampa ng kaso. Sa ganitong paraan, mas mabilis umano makakakilos ang DOJ at Ombudsman sa mga kasong may sapat na basehan.