-- Advertisements --

Nangako ang Philippine Airlines (PAL) na aakuin nila ang gastos lalo na sa medical expenses ng ilang mga pasahero na umano’y sugatan sa nangyaring severe turbulence na naranasan ng eroplano sa biyahe na nagmula ng Los Angeles, California at patungo ng Manila.

Una nang kinumpirma ng PAL na ang kanilang Flight PR113 ay nagkaroon ng tubulence sa himpapawid, dalawang oras bago ang kanilang landing.

PAL

Umabot na umano sa siyam na mga pasahero at tatlong crew members ang nagkaroon ng injury.

Pagdating ng Pilipinas ng eroplano, agad namang dinala sa isang ospital ang mga injured passengers at crew.

Sa ngayon ang iba sa mga ito ay nakalabas na ng pagamutan habang ang ilan ay naka-confine pa rin sa ospital.

Nagpaliwanag naman ang PAL na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba pang naapektuhan na mga pasahero.

Ang turbulence umano kabilang na ang malakas na pag-uga ng sinasakyang eroplano ay hindi nade-detect ng mga aircraft onboard weather system at bigla na lamang itong nararamdaman na walang advance warning.

“We are in the process of reaching out to the affected passengers and coordinating passenger wellness. This turbulence was not detectable on the aircraft’s onboard weather radar system, hence there was no advance warning. We affirm that safety is our top priority and that Philippine Airlines is fully cooperating with the concerned airport and aviation authorities,” bahagi pa ng statement ng PAL.