-- Advertisements --

Mas pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang malalim na pakikipagugnayan sa mga lokal na pamahalaan partikular na sa mga barangay at komunidad para sa maagap at mabilis na pagsugpo sa illegal smuggling ng sigarailyo sa bansa.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., mahalaga ang papel ng bawat sibilyan sa mga ganitong mga operasyon bilang mga katuwang na tagapagpatupad ng seguridad at kaayusan sa loob ng mga komunidad.

Layon din nito na isa-isang atugis ang mga malalaking distributor ng mga smuggled cigarettes para tuluyan na ng mabuwag ang network nito sa loob ng bansa.

Maliban dito, hinimok rin ng hepe ang publiko na manatiling mapagmatyag sa kanilang paligid at patuloy na makipagtulungan sa mga otoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyon o iulat sa mga kinauukulan ang anumang mga aksyon na kahina-hinala o mga posibleng bodega na posibleng imbakan ng mga puslit na produkto.

Sa huli, tiniyak ni Nartatez na mananatiling alerto ang pulisya sa mga ganitong illegal smuggling at sisisguruhing maaaresto sa lalong madaling panahon ang mga personalidada sa likod nito.