Muling pinanindigan ng Department of Justice ang nauna nitong posisyon sa mga maaring ikunsiderang opsyon ukol sa isyu ng International Criminal Court sa bansa.
Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, mayroon dalawang opsyon ang kagawaran sa ilalim ng batas.
Alinsunod aniya sa Republic Act No. 9851, nakapaloob rito’y ang mga opsyon na ‘pag-surrender’ o ‘i-extradite’ sa isang suspek o indibidwal tungo sa International Tribunal tulad ng International Criminal Court.
Sa naturang batas kasi ay pinahihintulutan ang ‘surrender’ at ‘extradition’ sa mga akusadong naglalayong maparusahan dahil sa mabibigat na krimen tulad ng genocide, war crimes at crimes against humanity.
Ganito rin ang paniniwala ng gurong naghain ng petisyon sa Korte Suprema na si John Barry Tayam hinggil sa usapin pag-aresto kay Sen. Bato Dela Rosa.
Giit niya’y nangyari na ito noong nakaraang taon kay former President Rodrigo Duterte at nasa awtoridad kung papaano ipapatupad ang ‘arrest warrant’ mula International Tribunal.















