Naaaresto ang halos 80 indibidwal dahil sa iba’t ibang fuel violations gaya ng hoarding, profiteering at gas-and-go incidents ayon yan sa datos ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Spokesperson at Public Information Office Chef PBGen. Randulf Tuano, siyam na katao ang naaresto dahil sa hoarding, isang kaso naman ang naitala dahil sa profiteering habang 21 mga paglabag naman ang naitala dahil sa illegal fuel pilferage scheme.
Maliban naman sa mga naitalang mga pananamantala ay kasalukuyan ding ongoing ang hot pursuit operations laban sa ikatlong suspek sa isang gas-and-go incident sa Payatas, Quezon City.
Napagalaman kasi na maliban sa naging paglabag nito, myroon ding mga nkabinbing mga kaso laban sa suspek na mayroon namang kinalaman sa iligal na droga noong taong 2017 at frustrated murder naman nitong 2020.
Magugunita naman na tinakasan ng suspek ang kaniyang bayarin na nagkakahalagang P1,500 noong nagdaang Abril 20.
Samantala, sa ngayon, nasa halos 287 na mga gasolinahan na ang naitalang pansamantalang nagsara dahil sa kakulangan ng supply.
















