Tiniwalag na umano ni Senador Imee Marcos ang kaniyang pinsan na si dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Philippines natanong si Sen. Marcos ukol sa posibleng papel ng kaniyang pinsan sa flood control scandal.
Bagaman hindi agad sinagot ni Marcos ang katanungan, sinabi niyang tiniwalag na niya ang kaniyang pinsan dahil sa ilang taon na silang hindi nag-uusap.
Pabiro pang sabi ng presidential sister, maaari ring siya ang tiniwalag ng kaniyang pinsan.
Kasabay nito ay binigyang-diin ni Marcos ang pagnanais niyang makita ang Senate Blue Ribbon Committe na magsagawa ng mas malalim pang imbestigasyon laban sa dating House leader.
Marami na aniyang nagdawit sa kaniyang pangalan na umano’y may alam sa malawakang anomaliya, kaya’t dapat nang mag-pokus ang Blue Ribbon panel sa kaniyang papel sa nabunyag na korapsyon.
















