-- Advertisements --

Naibenta sa halagang $17.9 milyon o katumbas ng mahigit P95 milyon ang 19th century painting na gawa ng iconic artist na si Raja Ravi Varma.

Ang painting na tinawag na Yashoda and Krishna ay siyang maitiuturing na pinakamahal na Indian artwork na naibenta sa Saffronart auction sa Delhi.

Nahigitan nito ang painting na Untitled (Gram Yatra) na gawa ni MF Husain na umabot sa halagang $13.8-M noong nakaraang taon.

Isinaling si Varma noong 1848 sa Kerala kung saan itinuturing siya bilang pinaka-influential artist.

Ang painting ay naibili ni Cyrus Poonawalla ang managing director at founder ng Serum Institute of India na pinakamalaking vaccine producers sa buong mundo.