Nag-viral online ang pahayag ng aktres na si Liza Soberano matapos siyang sumang-ayon sa panawagan ni Pasig City Mayor Vico Sotto na iwasan ang karahasan sa mga kilos-protesta.
Ito ay kaugnay ng protesta sa harap ng St. Gerrard Construction ng pamilya Discaya, kung saan ilang raliyista mula sa grupong Kalikasan ang naghagis ng putik at bato, at nagsulat ng “magnanakaw” sa gate ng gusali.
Ayon kay Mayor Sotto, dapat tiyaking ligtas ang mga manggagawa, guwardiya, at mismong mga raliyista. Suportado ito ni Liza na nag-post sa X (dating Twitter) na may mas maayos na paraan ng pagpapahayag ng saloobin nang hindi nadadamay ang mga inosenteng tao.
Umani ito ng sari-saring reaksyon sa social media—may mga pumuna sa kanya, at sinabing tila pinagtatanggol umano niya ang mga may kaso ng katiwalian, habang ang ilan ay ipinagtanggol siya.
Nilinaw naman ng aktres na ang tinutukoy niya ay ang mga ordinaryong manggagawa lamang.