-- Advertisements --

Aprubado na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ang pilot rollout sa pagpapabakuna ng mga bata na may edad 12 hanggang 15.

Magsisimula ang pagpapabakuna sa Oktubre 15 gamit ang COVID-19 vaccine na nabigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration (FDA).

Sinang-ayunan din nila ang kautusan ng pangulo sa pagpapabakuna sa mga nakakaraming populasyon ng bansa.

Ipapaubaya nila sa National Task Force Against COVID-19 at Vaccine Cluster.