KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng North Cotabato PNP kaugnay sa pagpatay ng mga suspek sa chief of police sa bayan ng Carmen.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PNP-12 spokesperson Lt. Col. Lino Capellan, sinabi nito na batay sa inisyal na imbestigasyon, rumesponde ang Carmen PNP sa pangunguna ng kanilang hepe na si Maj. Joan Resurrecion sa insidente ng pamamaril-patay sa isang dayuhan sa quarry site ng Sitio Tawan-Tawan, Brgy. Poblacion sa naturang bayan.
Kaagad nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad ngunit tinambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek si Resurrecion dahilan na tinamaan ito sa kaniyang katawan.
Kaagad isinugod sa bahay-pagamutan si Resurrecion ngunit hindi na umabot ng buhay.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagtugis ng mga kapulisan sa mga responsable sa pagbaril sa pinaslang na chief of police.