Wala pang nakikitang pangangailangan ang PNP para magtayo ng quarantine facility ngayong pumalo na sa 615 ang naitalang pulis na Person Under Monitoring (PUM) matapos ma-expose sa hinihinalang may COVID-19 virus.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, home quarantine lamang ang kanilang inirerekomenda sa nasabing mga pulis.

Pero sakaling magkaroon ng matinding pangangailangan ay nakahanda ang PNP General Hospital sa pakikipagtulungan ng ibang ahensya.

Nabatid na ang nasabing bilang ng mga pulis na PUM ay mula sa iba’t ibang rehiyon at hindi mula sa Metro Manila.

Maliban sa PUM, mino-monitor din nila ang 45 pulis na Person Under Investigation (PUI).

Araw araw ng isinasagawa ang disinfection sa Camp Crame at mga tanggapan na nakapaligid sa PNP Chaplain building matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang tauhan nito.