-- Advertisements --

Binigyang diin ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang mga isyu sa mental health sa bansa ay tumataas dahil mas naging mahirap ang pang-araw-araw na pamumuhay.

Kung matatandaan, iniulat ng Department of Education kamakailan na 404 na mag-aaral sa buong bansa ang nagpakamatay habang 2,147 iba pa ang nagtangkang magpakamatay noong Academic Year 2021-2022.

Para kay Pimentel, hindi lamang tumataas ang problema sa mental health ng mga estudyante.

Aniya, dapat magkaroon ng panawagan sa mga mag-aaral na mag-enroll sa mga kursong may kinalaman sa psychology, kung kinakailangan at dapat magbigay ng mga insentibo.

Ang gobyerno, sa pamamagitan ng 2023 national budget, ay naglaan ng humigit-kumulag P4billion para para pagtuunan din ng pansin ng gobyerno ang mga issue sa mental health ng mamamayan ng Pilipinas.