-- Advertisements --

Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng karamihan na nagkakaroon na umano ng outbreak ng trangkaso sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa na ang pagdami ng bilang ng mga nagkakatrangkaso ay normal lamang tuwing ngayong panahon o tinatawag na ‘seasonal lamang’.

Pinabulaanan niya na nagkakaroon na ng outbreak o ang biglang paglobo ng bilang ng mga nagkakaroon ng trangkaso.

Dagdag pa nito na nararanasan ang nasabing pagtaas ng bilang tuwing ngayong panahon ng pagsisimula ng tag-lamig sa Pilipinas.

Magugunitang may ilang paaralan ang nagkansela ng pasok dahil sa maraming mga mag-aaral ang dinapuan ng trangkaso.