Nalalapit na ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan ayon sa state weather bureau.
Ito ay kasabay ng inaasahang pag-iral ng southwesterly winds sa kanlurang bahagi ng Luzon sa weekend.
Inaasahan na magdadala ang southwesterly wind flow, na kadalasang simula ng pag-iral ng habagat, ng kalat-kalat na rain-showers at thunderstorms sa western Luzon partikular sa Palawan, Occidental Mindoro, Metro Manila, Cavite, Batangas, Zambales, Bataan, Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte simula sa araw ng Biyernes, Mayo 30.
Ayon sa state weather bureau, magpapataas ang pagbabago ng panahon ng tiyansa ng kalat-kalat na rain showers lalo na sa hapon at gabi sa nabanggit na mga lugar.
Sinabi naman ng bureau na idedeklara ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan kapag nakapagtala ng 25 millimeters ng ulan sa 7 mula sa 13 pangunahing monitoring stations sa loob ng limang sunod na araw, kasabay pag-shift ng prevailing winds tungo sa southwest.