Inaasahang uulanin ang pagbubukas ng klase ngayong araw ng Lunes, Hunyo 16, sa ilang parte ng bansa dahil sa epekto ng easterlies at intertropical convergence zone (ITCZ).
Base sa forecast ng state weather bureau, iiral ang earterlies sa Luzon at Visayas habang ang ITCZ naman ay makakaapekto sa Mindanao.
Ayon sa weather bureau, inaasahan ang maulap na kalangitan at kalat-kalat na rainshowers na may kasamang thunderstorms sa may Quezon at Bicol Region.
Habang magdadala naman ng ulan ang easterlies sa buong Visayas kung saan may mga naitala ng thunderstorm activity sa Central at Western Visayas. Inaasahan din ang maulap na panahon na iiral kung saan inaasahan ang mga pag-ulan dakong hapon at gabi.
Asahan naman ang biglaang pag-ulan sa hapon at gabi sa Mindanao at Palawan dahil sa epekto ng ITCZ.
Samantala, sa kasalukuyan walang low pressure area (LPA) ang kasalukuyang binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Habang tuluyan ng humina at lumabas ng PAR ang unang bagyo sa bansa na Tropical Depression Auring noong araw ng Biyernes.