-- Advertisements --

Muling nagbuga ng abo ng Bulkang Kanlaon ngayong Sabado, 21 Marso 2026, matapos magsimula ang ash emission bandang 5:58 AM na lumikha ng kulay-abong ulap na umabot sa 500 metro mula sa bunganga at lum drift patungong timog-kanluran.

Ayon sa Phivolcs, nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan, na nangangahulugang may moderate na antas ng aktibidad at posibleng magkaroon ng biglaang pagsabog, kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-kilometrong Permanent Danger Zone.

Naitala rin kahapon, Marso 20, ang dalawang ash emission events na tumagal ng halos dalawang oras at limang volcanic earthquakes, habang ang sulfur dioxide emissions ay nasa pagitan ng 434 hanggang 2,021 tonelada bawat araw.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Phivolcs sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente, lalo na sa timog-kanlurang bahagi ng Negros na maaaring maapektuhan ng ashfall.

Maliban dito, binabantayan din ng Phivolcs ang mga development sa Mayon volcano, Mt. Bulusan at Taal, na pawang aktibong bulkan na madalas magpakita ng abnormalidad.