Inihayag ni House Ways and Means Committee chairman at Albay Rep. Joey Salceda na ang mga pagsisikap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagbunga na magdala ng maraming investment sa bansa.
Patunay dito ang pagtaas ng economic growth ng bansa nuong fourth-quarter kung saan lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.6 percent at nagdadala ng full year 2023 growth na nasa 5.6 percent.
Sinabi ni Salceda na ang 4th quarter at full-year gross domestic product (GDP) ay tumutukoy sa matatag na pribadong sektor na pangmatagalang pamumuhunan, na ang kabuuang pagbuo ng nakapirming kapital ay “napakalakas” na nasa 8.1 percent.
Partikular na binanggit ni Salceda na ang pag-export ng mga serbisyo ay lumago sa isang “kapansin-pansin” na 13.6 porsyento, na aniya ay “understated,” hindi nito ganap na isinasaalang-alang ang lumalaking virtual services sector o ang tinatawag na “micro” business process outsourcing ( BPO).
Tinukoy din ni Salceda ang pagganap ng ekonomiya ng bansa ay nasa konteksto ng isang “highly hostile” na kapaligirang pandaigdig na may mataas na presyo ng pagkain dahil sa nagpapatuloy na conflicts sa Ukraine at Israel, gayundin ang mataas na rate ng interes ng US Fed, na nagpapahina sa paglago ng mundo.
Ayon kay Salceda ang paggasta ng gobyerno ay “napakalaki ng halaga” mula sa mga pagbabawal partikular ang ginanap na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, gayundin ang naitalang mga pagkaantala sa pagpapalabas ng pondo para sa mga pangunahing programa.
Dagdag pa ng ekonomistang mambabatas na ang paggasta ng gobyerno, ay lumago sa isang nakakadismaya na 0.4 porsyento sa buong taon, at lumiit ng 1.8 porsyento sa ikaapat na quarter.
“To support expansionary government spending, we need strong tax and non-tax revenue growth, as well as faster releases of programmed and unprogrammed appropriations,” paliwanag ni Salceda.