-- Advertisements --

Pabor ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) na ilagay na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila.

Sinabi ni DTI Sec. Ramon Lopez na kahit MGCQ o general community quarantine (GCQ) pa ang restriction, ang mahalaga umano ay ang disiplina at ang mahigpit na pagsunod sa protocols.

Dahil dito, inihirt naman ni Lopez na madagdagan ang mga makakapag-operate na mga negosyo at paiksiin ang curfew hours para sa mga negosyo.

Sinabi naman ni Trade Usec. Ruth Castelo, na kapag luluwag na ang quarantine restrictions, lalaki rin ang operational capacity ng mga negosyo.

Ang 30 percent umano ay magiging 50 percent hanggang maging 75 percent ito.

Kasabay nito ay madadagdagan na rin ang mga mag-o-open na negosyo.

Sa Linggo, magpupulong ang mga Metro Manila mayors para pag-usapan ang magiging quarantine status ng Metro Manila.