-- Advertisements --

Binigyang diin ng Malakanyang na bawal sa mga opisyal ng gobyerno ang anumang uri ng sugal.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, alam naman ito ng mga opisyal kaya hindi na sila kailangang paalalahanan.

Binigyang diin ni Castro na dapat matino ang mga public official dahil responsibilidad nila ito.

Una rito, inamin ni dating DPWH district engineer ng Bulacan na si Henry Alcantara na gumagamit siya ng “alyas” at pekeng ID para makapasok sa casino.

Sabi ni Castro, maaaring makasuhan ni Alcantara sa ilalim ng  RA 6713, ng kasong administrativo o kriminal depende sa kanyang nagawa.

Pero ipinauubaya na anya ng Palasyo ang aksyon sa bagay na ito kay DPWH Sec. Vince Dizon.