Pinakilos na ng Philippine National Police (PNP) na ng kanilang tracker team para sa agarang pag-aresto kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sinabi ni PNP chief PGeneral Jose Melencio Nartatez Jr, na tatalima agad sila sa utos ng Department of Justice (DOJ) ukol sa pagsilbi ng warrant of arrest laban sa Senador.
Dagdag pa nito na trabaho ng PNP na isilbi ang mga warrant of arrest laban sa mga inbididwal na may kinakaharap ng anumang kaso.
May ugnayan sila sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa tracker team na hahanap sa kinaroroonan ng Senador.
Malinaw din aniya ang utos nito sa mga kapulisan na dapat ay maging transparent at ipatupad ang maximum tolerance ang gagawing pag-aresto laban sa Senador.
Magugunitang nahaharap ang Senador ng kasong crime against humanity matapos na ito ay madawit sa kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte dahil siya ang tumayong hepe ng kapulisan noong panahon ng dating pangulo.
















