Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang umiiral na warrantless arrest na siyang nauna nang pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) sa ilalim ng Comelec Resolution no. 11104.
Ayon kay PNP-Public Information office Chief Col. Randulf Tuano, hindi umano totoo na nagkaroon o naglabas ng memorandum ang Director ng Legal service ng kanilang hanay na siyang tumataliwas sa mismong paguutos ng PNP.
Aniya, walang inilabas na kahit anong memorandum ang Legal Service ng kanilang hanay at sa katunayan suportado din nila ang adhikain ng Comelec, lalo na kung ang mga huhulihin ay talagang may nilabag at pasok sa requirements of procedures ng kanilang hanay.
Aniya dapat ang mga pagaresto ay dapat ”committed”, ”actually committing” o ”about to commit” ang mga maling gawain o krimen.
Samantala, nagbigay naman na ng mga ksalukuyang updates ang PNP tungkol sa mga naitalang insidente nitong umaga bago magumpisa ang halalan.
Sa ulat ng Police Regional Office 9 (PRO9), mayroong isang biktima sa isang shooting incident sa Zamboanga sa rehiyon at natamaan sa ulo habang ang isa namang biktima ay hindi nasaktan. Ayon sa PRO9, kasalukuyan nang tinitignan ng kanilang mga ground pesonnels ang pinangyarihan kung saan nakarekober ng higit sa 19 na emptyshells ng 5.56 mm ammunition at pitong 45 mm na mga bala sa pinangyarihan ng krimen.
Sa bahagi naman ng Police Regional Office ng Bangsomoro Atutonomous Region, hindi rin kumpirmado at wala pang opisyal na report na mayroong mga guro na nagsisislbing electoral board na umatras ngayong eleksyon.
Samantala patuloy namang bineberipika ang iba pang naitalang insidente at hindi muna kinukumpirma na ang mga ito ay election-related incidents.
Tiniyak ni Col. Tuano na generally peaceful ang nagpapapatuloy na halalan ngayon sa buong bansa at hindi umano ito makakaapekto sa mismong resulta at seguridad ng eleksyon.