CAGAYAN DE ORO CITY – Nilinaw ng Securities and Exchange Commission (SEC)-10 na hindi nila nilabag ang human rights at freedom of religion sa pagpapatupad ng cease and desist order (CDO) sa lahat ng operation ng Kabus Padatoon o KAPA Ministry International Incorporated.

Sinabi ni SEC-10 Region Director Atty. Reynato Egypto na malinaw na may dalawang aspeto ang freedom of religion.

Isa na rito ang freedom to believe and ang pangalawa naman ay ang freedom to exercise religion.

Sinabi ni Egypto na malinaw na may katiwalian sa pagpapatakbo ng KAPA sa generation ng monetary donations kung saan pinopondohan ng kanilang investors ang kanilang organisasyon sa pamamagitan ng donasyon.