CENTRAL MINDANAO- Sinusulong ngayon ni Cotabato City Mayor Atty Cynthia Guiani Sayadi ang karapatan ng mga kabataan.

Tinututukan ng City-LGU ang proteksyon at pagpapahalaga sa karapatan ng mga kabataan.

Sa State of the Children’s Report ni Mayor Guiani-Sayadi kasabay ng pagdiriwang ng National Children’s Month ay tiniyak ng alkalde ang pagkakaroon ng programa ng pamahalaang panglungsod sa kapakanan ng mga kabataan.

Ang grupo ng Academe, Religious, Business,militar at pulisya ay kasabay na nanumpa na magiging katuwang ng City LGU sa pagbibigay gabay at suporta sa mga kabataan.

Ibinida ni Mayor Cynthia Guiani Sayadi na muling kinilala ang siyudad ng Cotabato bilang Best Child-Friendly City sa buong Bansa.