-- Advertisements --

Muling iginiit ng Philippine Genome Center (PGC) na lahat ng uri ng bakuna laban sa COVID-19 ay gumagana kontra sa Lambda at Delta variant.

Sinabi ni PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma na epektibo ang mga bakuna para mailayo ang mga pasyente sa matinding sakit at pagkaka-ospitalng mga pasyente laban sa nasabing sakit.

Mahalaga aniya na dapat bigyan nito ng pansing ng mga tao ang pagpapabakuna para tuluyang mapigil ang pagkalat ng nasabing variant.

Kahit na mayroon ng isang napaulat na Lambda variant sa bansa ay malalabanan ito sa pamamagitan ng bakuna dahil bumaba ang nasabing kaso nito sa ibang bahagi ng mundo.