-- Advertisements --
Hindi naniniwala ang International Monetary Fund (IMF) na mabilis na makaka-recover ang isang bansa kapag tinanggal na ang restriction dahil sa coronavirus.
Ayon sa IMF, makakabawi lamang ang isang bansa sa pagkabagsak ng ekonomiya nito kapag tuluyang mawala na ang COVID-19.
Inihalimbawa ng IMF ang ilang bansa na maagang nagtanggal ng restriction subalit hindi pa rin sila nakabangon.
Mas gaganda aniya ang ekonomiya ng isang bansa kapag wala ng iniisip ang mga tao na pangamba ng virus.
















