-- Advertisements --
Pagnanakaw ang nakikitang motibo ng kapulisan sa pagpatay sa mag-asawang senior citizen sa Novaliches, Quezon City.
Ayon kay Lt. Col. Rossel Cejas, hepe ng Quezon City Police District Station 4, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang mag-asawang nasa 80-anyos.
Naisugod naman sa pagamutan ang kasambahay ng dalawa matapos magtamo ng mga saksak sa katawan.
Sa imbestigasyon kapulisan lumalabas na nagkalat ang mga gamit ng biktima ng kanilang puntahan ang lugar.
Nadiskubre lamang ang insidente ng pasado alas-2:00 ng hapon nang puntahan ito ng kanilang anak.