-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Magpupulong ang mga hepe ng Land Transportation Office sa Isabela para sa paglulunsad ng unity ride for road safety ngayong buwan ng Marso.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Florentino Dela Cruz, hepe ng LTO Cauayan city, sinabi niya na dapat bigyang pansin ito upang malaman ng mga motorista na dapat ay disiplinado sila sa pagmamaneho ng sasakyan.

Magiging katuwang ng LTO sa Unity Ride ang hanay ng PNP Highway Patrol Group.

Maliban sa unity ride ay magsasagawa rin sila ng lecture may kaugnayan sa road safety.

Pangunahin nilang tututukan ang mga nagmamaneho ng motorsiklo dahil sila ang madalas na nasasangkot sa aksidente.

Patuloy ang paalala niya sa mga motorista may kauganyan sa Republic Act 10586 o anti-drunk and driving act of 2013 para sa mga nagmamaheno ng nakainom o nasa impluwensiya ng alak.

Layunin ng naturang mga programa na magkaroon ng mga quality driver at hindi quantity driver sa pamamagitan ng pagsailalim ng mga kumukuha ng lisensiya sa Theoretical driving course.

Sa ngayon tanging ang Regional Office ng LTO at lalawigan ng Batanes ang nag-aalok ng theoretical driving course.

Maaaring dumulog sa kanilang tanggapan ang mga nagnanais na sumailalim sa theoritical Driving course para mai-coordinate ito sa Regional Office o di kaya ay dumiretso sila sa Regional Office para mag-enroll.

Magpapakita lamang sila ng Certificate of Indigency mula sa Barangay at CSWD o MSWD at health certificate mula sa kanilang RHU.