-- Advertisements --

Nag-landfall na ang Tropical Storm Ramil sa baybayin ng Gubat, Sorsogon ngayong hapon ng Sabado, Oktubre 18, 2025.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at pagbugsong hangin na hanggang 90 kilometro bawat oras.

Ang bagyong ito ay mabagal na kumikilos pakanluran.

Signal No. 2:
Luzon:

Timog-silangang bahagi ng Isabela
Timog bahagi ng Quirino
Timog bahagi ng Nueva Vizcaya
Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora
Polillo Islands
Camarines Norte
Catanduanes
Hilaga at silangang bahagi ng Camarines Sur
Silangang bahagi ng Albay
Hilagang-silangang bahagi ng Sorsogon

Visayas:
Hilagang bahagi ng Northern Samar

Signal No. 1:
Luzon:

Cagayan
Babuyan Islands
Natitirang bahagi ng Isabela
Natitirang bahagi ng Quirino
Natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Natitirang bahagi ng Aurora
Nueva Ecija
Silangang bahagi ng Bulacan
Silangang bahagi ng Tarlac
Silangang bahagi ng Pampanga
Hilaga at silangang bahagi ng Quezon
Natitirang bahagi ng Camarines Sur
Natitirang bahagi ng Albay
Natitirang bahagi ng Sorsogon
Burias Island
Ticao Island

Visayas:
Natitirang bahagi ng Northern Samar
Hilagang bahagi ng Eastern Samar
Hilagang bahagi ng Samar