Pinalawig pa ng US Justice Department ang paglalagay ng mga federal agents sa Cleveland, Milwaukee at Detroit.
Ang nasabing hakbang ay parehas na deployment na ginawa sa ibang lugar gaya ng Chicago, Kansas City, Missouri, Albuquerque, New Mexico.
Tinawag ito na Operation Legend, isang paraan para matugunan ang mga nagaganap na krimen kung saan nagaganap ang mga kilos protesta mula ng nasawi ang black American na si George Floyd sa kamay ng Minneapolis police noong Mayo 25.
Magugunitang kinontra ng anim na alkalde na pawang mga Democrats ang paglalagay ng mga federal agents sa mga lungsod dahil lalo umanong nagdudulot ng tension sa mga nagsasagawa ng kilos protesta.
Nauna ng ipinagtanggol ni Attorney General William Barr ang paglalagay ng mga federal agents para matigilan ang mga nagaganap na krimen mula sa nagsasagawa ng kilos protesta.