-- Advertisements --

Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na ang 2024 national budget ay isang attle plan kontra sa kahirapan , gutom at iba pa.

Sinabi ng Presidente higit sa numerong pinag – uusapan sa budget ay kumakatawan ito higit sa lahat sa isang simpleng listahan ng halaga o talaan ng mga proyekto.

Ayon sa Pangulo, ang 2024 budget aniya ay naglalarawan sa Plano ng Administrasyon na labanan Hindi lamang ang kahirapan kundi pati na ang  paglaban sa kawalan ng edukasyon, sa kagutom, sa pangangalaga sa mga maysakit, pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan, paglikha ng trabaho, at pondo para sa mga kabuhayan.

Kaya hindi aniya tamang sabihin na panustos lamang sa overhead ng byurukrasya ang budget ng bayan para sa 2024.

Sabi ng Pangulo, ang pondong gagamitin sa susunod na taon ay nakaukol din upang pawiin ang mga problema at hamon na kinakaharap ng bansa.