KALIBO, Aklan-Malaking kawalan sa hanay ng basketball ang agarang pagkamatay ng NBA superstar na si Kobe Bryant.

Ayon kay Bombo International Correspondent Lorger Geronimo, tubong Aklan at kasalukuyang naninirahan sa Montreal, Quebec, Canada na isa siya sa mga legends at tinitingala ng mga basketball players sa buong mundo.

Kahit ang mga Canadians aniya ay nabalot ng kalungkutan sa kaniyang pagkamatay.

Sa company umano niyang pinapasukan ay nag-alay muna sila ng dasal bago nagtrabaho sa araw na nabalitaan ang pagkamatay ng tinaguriang “Black Mamba”.

Samantala, inihalintulad ni Geronimo ang ugali ni Bryant kay pambansang kamao Manny Pacquiao dahil kapwa ang mga ito na hindi mayabang sa laro.

-- Advertisement --

Ginamit aniya nito ang talento at kasikatan upang makatulong at magsilbing inspirasyon sa taong bayan.