BUTUAN CITY-Kinumpirma ng militar na napatay ang anak na babae ni Bayan Muna Partylist Representative Eufemia Cullamat na si Jevilyn Campos Cullamat alyas Reb. Jevilyn, 22 anyos matapos ang ekwentrong sumiklab sa pagitan ng 3rd Special Forces Battalion Philippine Army at Sandatahang SYP Platoon, Guerilla Force 19 sa Brgy. San Isidro, Marihatag, Surigao del Sur kahapon, November 28.
Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan kay 1ST Lt. Criz Punzalan Civil Military Operation Officer ng 3rd Special Forces Battalion Philippine Army, sinabi nito na nagsilbing medic ang nakakabatang anak na babae ni Cullamat ng SYP Platoon, Guerilla Force 19 sa Surigao del Sur.
Inihayag din ng opisyal na ngayon lang aniya nila ito na-report dahil sinigurado pa nila ang identity ng casualty mula sa nasabing grupo na nakumpirma rin mula sa mga dating rebelde at kapatid ni Jevilyn na nagpunta na sa kampo.
Tinatayang nasa 30 aramadong rebelde ang nakasagupa ng militar.
Nakekober naman ng mga sundalo ang ilang arams , bala ug dokumento matapos ang 45-minuto na engkwentro.