-- Advertisements --

CEBU – Binigyang diin ni Cebu Archbishop Jose Palma na ang isang simbolo ng pagkakaisa ang pagbukas ng Jubilee Door at ang selebrasyon ng Easter mass na ginawa sa buong mundo.

Ayon sa arsobispo na ang nagpapatuloy na bana ng COVID-19 ang nagbibigay takot sa publiko ngunit dahil sa pananampalataya at paniniwala ng bawat isa mananaig ang lahat sa pakikipaglaban nito.

Umaasa rin ang arsobiso na sa hindi pa matatapos ang taon, dahan-dahan nang manunumbalik ang normal na sitwasyon. Samantalang panalangin din nito na mawala na ang mga restrictions upang wala nang makakapigil sa ibang aktibidad sa pagdiriwang ng ika-500 na anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Kahapon sinagawa ang Opening of 500 Years Of Christianity and Holy Door sa Cebu Metropolitan Cathedral.