-- Advertisements --

Pinapurihan ni Sen. Bong ang positibong tugon ng Executive Branch sa mga apelang suportahan ang mga nasa middle class sa gitna ng krisis dahil sa coronavirus disease (COVID-19) outbreak sa bansa.

Magugunitang ilalabas na sa lalong madaling panahon ang naaprubahang guidelines sa implementasyom ng small businesses wage subsidy (SBWS) program para tulungan ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na may mga manggagawang apektado ng krisis.

“Malaking bahagi ng ating ekonomiya ang mga MSMEs, at habang tumatagal ang COVID-19 situation sa bansa, kailangan ding suportahan ng ating gobyerno ang kanilang kapakanan para buhayin ang maliliit na negosyo at maiahon ang mga empleyado nila mula sa krisis na ito,” ani Sen Go.

Sinabi ni Sen. Go, ngayong aprubado na ang panukala ng Department of Finance para sa small business wage subsidy (SBWS), tinitiyak nilang lahat ng Pilipinong apektado ay matutulungan at mapangalagaan ang ating ekonomiya kahit nasa gitna tayo ng krisis.

Ayon kay Go, sa pamamagitan ng assistance sa mga MSMEs, matutulungan na rin ng mga may-ari nito ng kanilang mga empleyado na kabilang sa middle class lalo na napalawig ang enhanced community quarantine in Luzon at iba pang bahagi ng bansa.

Si Sen. Go ay miyembro rin ng Joint Congressional Oversight Committee na naka-monitor sa progreso ng implementasyon ng Bayanihan to Heal as One Act at nagsulong din sa SBWS.