ILOILO CITY – Nanindigan si Senate Minority Leader Franklin Drilon na walang epekto sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa overpriced na COVID-19 supplies ang pagharap ng Pharmally executive na si Krizle Mago sa Kamara.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Drilon, sinabi nito na naka-testify na under oath si Mago sa Senado bago pa man siya nagpalit ng testimonya.
Ayon kay Drilon, mahaharap sa mabigat na kaso si Mago sa pagpalit nito ng pahayag kaugnay sa transaksyon ng Pharmally Pharmaceuticals at sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM).
Natawa naman ang mga senador kung bakit sa Kamara lumapit si Mago upang humingi ng proteksyon sa halip na sa Philippine National Police (PNP) o National Bureau of Investigation (NBI).