-- Advertisements --
ramadan muslim covid

KORONADAL CITY – Inaasahan nang magiging pahirapan ang paggunita ng Ramadan ngayong taon dahil pa rin sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic. 

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay South Cotabato Muslim Affairs Chief Mutalib Sambuto, sinabi nito ng matutuloy pa rin ang kanilang pagtitipon-tipon subalit mahigpit na ipapatupad aniya ang social distancing. 

Ang mga nakatira naman aniya sa mga malalayong lugar ay maaring hindi na pumunta pa sa mga Mosque.

Sa halip ay isagawa na lamang aniya sa loob ng bahay ang pagdarasal kasabay nang paggunita ng Ramadan.