CAUAYAN CITY – Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaan ng mga malalaki at mabibigat na sasakyan sa Minanga bridge, San Mariano, Isabela matapos gumuho ang approach dahil sa bumagsak na bato sanhi ng pang-ulan dulot ng bagyong Falcon.
Mayroon na ring itinalagang magbabantay sa magkabilang bungaran ng tulay para hindi makadaan ang mga mabibigat na sasakyan para hindi tuluyang bumigay ang tulay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Reynato Obinia ng DPWH Isabela 3rd Engineering District, sinabi niya na gagawa sila ng detour bridge na dadaanan ng mga malalaki at mabibigat na sasakyan.
Ang pinapayagan lamang na dumaan ngayon sa Minanga bridge ay ang maliliit at magagaan na sasakyan.
Hiniling nila ang tulong ng San Mariano Police Station para maayos ang daloy ng mga sasakyan na dadaan sa tulay.
Samantala, nagkaroon naman ng bahagyang pagguho ng lupa sa isang lansangan sa San Marano,Isabela ngunit kaagad ding nalinis.