-- Advertisements --

aguinaldo3

Mapayapa sa pangkalahatan ang idinaos na siyam na araw na “Misa de Gallo” bilang paghahanda sa Pasko.
Ito ang sinabi ni PNP Chief Police Gen. Dionardo Carlos sa kanilang assessment matapos ang huling Misa de Gallo kaninang madaling araw.


Ayon kay Carlos, walang naitala ang PNP na major untoward incidents sa mga nakalipas na simbang gabi batay na rin sa ulat na kaniyang tinanggap mula sa iba’t ibang police regional offices at units.

” No major untoward incidents were reported by the Police Regional Offices in their respective areas of responsibility,” pahayag ni Gen. Carlos.

Maliban na lang umano sa Bagyong Odette na puminsala sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.

Paliwanag ni Carlos, payapang natapos ang Misa de Gallo dahil sa tulong ng mga simbahan, local government, at civilian volunteers.

Striktong naipatupad din aniya ang health protocol at itinakdang kapasidad sa mga simbahan dahil na rin sa pagbabantay ng mga pulis.

Una ng iniutos ni PNP Chief sa mga chief of police na tiyakin ang presensiya ng mga pulis sa mga pampublikong lalo na ngayong panahon ng Pasko.

“The cooperation and support among the police, clergy,local governments and civilian volunteers made this possible, including the observance of minimum public health standards,” wika ni Gen. Carlos.