-- Advertisements --
IMG 20191213 105709

Submitted for resolution na ang ika-apat na batch ng Dengvaxia case na inihain ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Department of Justice (DoJ).

Ang ika-apat na batch ay kinabinilangan ng 13 kaso kabilang na ang survivor na si Mark Joseph Estandarte, 11-anyos.

Sa isinagawang preliminary investigation, dahil naisumite na ang lahat ng mga pleadings ay idineklara na itong submitted for resolution ng DoJ panel of prosecutors na pinamumunuan ni Senior Assistant State Prosecutor Toefel Austria.

Kabilang sa mga respondent sa kaso ang mga opisyal ng Department of Health (DoH) na sina Dr. Herminigildo Valle at Zuellig Pharma executive Imran Babar Chugtai na bigong nagpakita sa preliminary investigation.

Humaharap ang mga respondent sa kasong reckless imprudence resulting in homicide na nasa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code; torture resulting in the death of a person at torture committed against children sscilalim ng Republic Act 9745, Anti-Torture Act of 2009 at paglabag sa RA 7394 o Consumer Act of the Philippines, partikular ang mislabeling ng drugs and devices, liability for defective products at liability for product and service imperfection.

Kabilang sa mga biktima sina Aldrid Aberia, Micaella Mainit, Eira Mae Galoso, Riceza Salgo, Leiden Alcabasa, Jonnel Dacquel, Kenchie Ocfemia, Angelica Pulumbarit, John Marky Ferrer, Maricel Manriza, Charmel Flordeliz at Annaliza Silverio.