-- Advertisements --

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang kanyang pagdalo sa libing ni Pope Francis sa Vatican s Roma ay “isang kilos ng malalim na paggalang” sa ngalan ng Pilipinas.

Sa isang pahayag sinabi ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay isa sa mga faithful nations at si Pope Francis ay “naantig ang puso ng milyun-milyong tao.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ilibing ang Santo Papa.

Sinabi ng Punong Ehekutibo nirepresenta niya hindi lang ang gobyerno ng Pilipinas kundi ang bawat Filipino na nais makiisa at maipaabot ang kanilang pagdadalamhati sa namayapang Santo Papa.

“I represented not just the Philippine government, but the everyday Filipino — prayerful, hopeful and grateful — who would have wanted to be there to say thank you to a shepherd who made them feel seen,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Dagdag pa ng Pangulo, “This is a moment of shared faith, national pride, and quiet tribute from the Filipino people to a Pope who walked with the humble and gave voice to the unseen.”

Kasama ni Pangulong Marcos ang nasa 170 world leaders na dumalo sa libing ni Pope Francis kahapon.

Tinatayang nasa 400,000 katao ang pumunta sa St. Peter’s Square at makiisa sa libing ng kauna-unahang Latin American Leader.

Matapos ang libing, nakita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakipag usap kay US President Donald Trump at dating US President Joe Biden.