-- Advertisements --

Layon ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Berlin, Germany at Czech Republic ay para palakasin pa ang bilateral relations at paigtingin ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang central european nations.

Inanunsiyo ng Palasyo ng Malakanyang na muling bibiyahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kasama si First Lady Liza Marcos patungong Germany at Czech Republic.

Ayon sa Presidential Communications Office, inimbitahan ang First Couple ni German Chancellor Olaf Scholz para sa isang working visit sa Germany.

Imbitado rin ang mga ito ni Czech Republic President Petr Pavel para naman sa isang state visit.

Ang kambal na biyahe ng Pangulo ay nakatakda sa susunod na linggo mula March 11 hanggang March 15,2024.

Ayon kay PCO Secretary Cheloy Garafil nakatakdang makipagpulong si Pangulong Marcos kay German Chancellor Olaf Scholz sa Berlin.

Makikipag pulong din ang chief executive sa apat na heads ng Czech government.

Kabilang dito sina Czech President Petr Pavel at Prime Minister Petr Fiala, at heads of the Czech parliament-senate President Milos Vystrcil at President of the chmber off deputies Marketa Pekarova Adamova.

Bukod sa magiging pulong niya sa mga leaders ng bansa, naka iskedyul din ang presidente na makipagpulong sa mga malalaking business leaders ng dalawang bansa para pasiglahin ang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng Pilipinas at ng Germany at Czech.

Nakatakda ding makipagkita ang Presidente sa Filipino communites na nakatira sa dalawang bansa at para iparating sa kanila ang pangakong suporta ng kaniyanga administrasyon sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo.

Ipinunto ng Pang. Marcos na ang kaniyang pagbisita sa Germany at Berlin ay mahalagang bahagi ng pagdiriwang ng ika 50 anibersaryo ng bilateral relations ng Pilipinas at Czech Republic noong isang taon habang gugunitain naman ang ika 70 anibersaryo ang diplomatic relations ng Pilipinas at Germany sa taong ito.