Iginagalang ng Malacañang ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) laban sa ABS-CBN.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang Supreme Court (SC) ay hiwalay at co-equal branch ng gobyerno at hindi panghihimasukan ng Ehekutibo.
Ayon kay Sec. Roque, bahala na ang OSG bilang petitioner sa susunod nitong legal steps.
Samantala, ang isyu naman daw ng franchise renewal ng ABS-CBN ay prerogative ito ng Kongreso.
“We respect the decision of the High Court, a separate and co-equal branch of government, on the quo warranto case filed against ABS-CBN Corporation. We leave it to the Solicitor-General as the Petitioner to decide on his next legal steps. Meanwhile on the issue of renewal of ABS-CBN franchise, we consider this a prerogative of Congress, which is presently deliberating on the matter,” ani Sec. Roque.