Magpapatupad ng liquor ban ang city government ng Maynila.

Sa executive order na pinirmahan ni Mayor Isko Moreno, na temporaryong ipagbabawal ang pagbili at pagbenta ng anumang uri ng alak sa kasagsagan ng state of Calamity dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Magsisimula ang liquor ban ngayong araw Marso 30 hanggang matapos ang Enhanced Community Quarantine.

Sinabi ng alkalde na kaya nila ipinatupad ang nasabing liquor ban ay dahil sa marami pa rin ang pasaway ng mga residente ng lungsod habang ipinapatupad ang curfew.