-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ngayon ng pamahalaan ang planong pagbabakuna sa mga bata may edad 12-anyos hanggang 17-anyos, ito ay kasunod ng patuloy na pagdating ng mga Covid-19 vaccines sa bansa.

Ayon kay chief implementer ng National Task Force Against Covid-19 pinag-iisipan na ngayon ng pamahalaan na isama ang mga bata sa ongoing vaccination program ng gobyerno.

Ang nasabing pahayag ni Secretary Galvez ay bunsod sa naitalang complicated cases ng coronovirus na mga bata na admitted ngayon sa pediatric Covid-19 ward of the Philippine General Hospital (PGH).

Sinabi ni Galvez kanila ng ipina-alam sa Pangulo ang nasabing kaso.

Kanila na rin iminungkahi sa NITAG (interim National Immunization Technical Advisory Group) na kailangan ng isama ang mga bata dahil maari din silang maging vulnerable lalo na ang mga batang may comorbidities.

Sinabi ni Galvez, tatlong bata ang nasa kritikal ngayon na naka confine sa PGH kung saan dalawa dito ay may comorbidities.

Samantala, personal na sinalubong nina National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr.; Raymond T. Azurin, Senior VP Corporate Affairs ng Zuellig Pharma Corp.;Department of Health Director Ariel Valencia, at BOC District Collector Carmelita Talusan ang pagdating ng Moderna vaccines, 224,400 doses ay para sa gobyerno habang ang natitirang 102,000 doses ay para sa port operator International Container Terminal Services Inc. (ICTSI).

Sinabi ni Galvez ang bibigyan ng nasabing bakuna ay ang mga lugar na mayroong surge ng Covid-19 cases dito sa Metro Manila partikular ang mga hindi pa nabakunahan na medical front-liners (A1), senior citizens (A2), at persons with comorbidities (A3).

Binigyang-diin ni Galvez na nasa 90,000 doses ng Moderna ang inilaan sa NCR na kasalukuyang nasa enhanced community quarantine kung saan target ng pamahalaan na maabot ang 4 million jabs.