-- Advertisements --

Naglabas ng flood advisory ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa epekto ng bagyong Nando.

Ang mga lugar ay kinabibilangan ng ilog ng Zambales partikular na sa Sto. Tomas, Bucao, Bancal at Lawis.

Ganundin sa Balanga at Morong sa Bataan.

Inaasahan din ang pag-apaw ng Ilan, Banabang-Molino, Pansipit, Kapumpong, Rosario-Lobo at Upper Bolbok (Lawaya) river sa Batangas at mga ilog sa Cavite gaya ng Canas, Ylang-Ylang, Imus , Laboc at Maragondon.

Kasama rin ang mga ilog ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon at Palwan.

Inaasahan rin ang pagtaas ng lebel ng tubig sa mga ilog ng Aklan, Antique,Capiz at Negros Occidental.

Maaring tumaas din ang tubig sa mga ilog ng Zamboanga Del Norte, Zamboanga Sibugay at Zamboanga Del Sur, Lanao del Norte, Misamis Oriental at Misamis Occidental.

Apektado rin ang mga ilog sa Lanao Del Sur; Maguindanao; Ifugao, Apayao, Benguet, Abra, Kalinga , Mountain Province, La Union, Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela at Cagayan.