Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa publiko laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na opisyal ng ahensya upang manghingi ng mga donasyon sa umano’y foundation.
Sa isang statement nitong araw ng Linggo, sinabi ng ahensya na isang contractor umano ang nakatanggap ng email mula sa isang pekeng opisyal na humihingi ng kontribusyon.
Mariin itong itinanggi ng PAGASA at sinabing wala silang pinahihintulutang sinuman o organisasyon na gamitin ang pangalan ng PAGASA o ng mga empleyado nito para sa pansariling kapapakanan.
‘We do not tolerate and detest that misrepresentation,’ giit ng ahensya.
Hinimok ng PAGASA ang publiko na i-report agad ang ganitong uri ng panloloko sa kanilang Public Information Unit sa numerong (02) 8284-0800 local 1100-1101 o sa email na information@pagasa.dost.gov.ph.
Ang DOST-PAGASA ay isang ahensiyang nagbibigay ng weather forecast, tropical cyclone warnings, at flood advisories para sa kaligtasan ng publiko.