Hindi kinaya ng Denver Nuggets ang pag-ulan ng three point shots para makuha ng Portland Trail Blazers ang Game 1 sa first round ng NBA playoffs.
Umabot sa 19 na three points ang naipasok ng Blazers mula sa 40 na mga pagtatangka.
Nanguna sa diskate si Damian Lillard na may 34 points, 13 assists at apat na three pointers.
Sina Carmelo Anthony at Anfernee Simons ay meron ding tig-aapat na three pointers.
Hindi rin naman nagpahuli si CJ McCollum na may kabuuang 21 points at si Anthony ay nagpakita rin ng 18.
Ang leading MVP na si Nikola Jokic na bagamat may 34 points din, hindi naman nakatulong ng husto ang kanyang mga teammates.
Ang panira na mga assists ng superstar center ng Nuggets ay hindi gumana at nakapagtatakang isang assist lamang ang nagawa bunsod na rin siguro ng bantay-sarado na ginawa ng Blazers sa kanya.
Muling magtutuos ang dalawa sa Game 2 sa Martes.
















